Miyerkules, Agosto 11, 2010

Pandora's Box

Lyrics na lang ang kulang at makakalikha na ako ng isang ethnic song na walang ibang gamit na background instrument kundi ang malakas na paghilik ng kuya ko na nagkakaroon na ng tono sa himbing ng kanyang pagkakatulog. Tulog na talaga sila at ako na lang ang gising bukod sa mga nagkakantahang mga kuliglig at ipis na nagtayo ng komunidad sa mga sulok-sulok ng bahay namin.
Pasado ala una..
At ayaw lang naman ako patulugin nitong si Immanuel Kant at ng kanyang mga hardcore philosophical literary piece tungkol sa ‘Genuine Morality’ na kailangan kong paglaanan ng pagsusunog ng kilay at pagkuskos ng libag. Simple lang naman kailangan kong gawin. Pasasakitin ko lang ang ulo ko sa pagintindi ng mga radikal niyang pilosopiya at gagawan yon ng isang analysis. At bago yon e sasailalim muna ako sa isang ritwal. Matapos ko magbasa ay bubuksan ko ang computer at magpapatukso na maglaro muna ng Plants vs. Zombies at pag natauhan na ko na kinabukasan na pala ang pasahan nitong paper, e saka ko lang ihihinto. Saka ko lang bubuksan ang MSword at mahigit kalahating oras kong tititigan ang monitor bago ko mai-type ang mga salitang:

According to him, man should act only on that maxim through which he can at the same time will that it should become a universal law.

kelan mo ba nalaman at sino ang nagsabi sayo na ang pagsisinungaling at pagsuot ng underwear sa ulo ay parehong mali? Sino nga ba ang nagdidikta ng moralidad ng isang tao? Diyos? Lipunan? o si Panday?

2 komento:

  1. sabi ni kant sa 'metaphysics of morals' 'Will' ang basehan ng morality, at ang will ay nahahati sa dalawa, ang 'good will' at ang 'bad will'. Dinefine niya ang 'good will' na positive outcome, something na hindi passive at ang 'bad will' naman ay something na bumabali sa positive, ngayon, balik tayo sa tanong mo kung ano ang nagdidikta sa morality.

    malamang ito yung mga bagay na wala sa good will. halimbawa ang pakiki-apid, dahil sa tama ang relasyon at ang apid ay bumabali sa tamang relasyon. O kaya, tama lang ang magtrabaho, ang babali lang dito ay ang 'pang-aalipin' o di makataong sahod. ganyan lang kasimple ang moralita.

    Hindi itinatama ang mali.

    TumugonBurahin
  2. kailangan pa ba nating ipaunawa at ipagsaksakan sa utak ng mga nakararaming pilipinong napagsasamantalahan gaya ng mga magsasaka't manggagawa ang mga ganoong klaseng mga konseptong kahungkagan para lang maintindihan nila na ang moralidad ay dinidikta lamang ng mga naghaharing-uri sa lipunan?

    ...nakakadismayang marami sa atin ang tumatangkilik ng mga prinsipyong pang-elitista.

    TumugonBurahin